Baha Ready 3D

Tungkol sa Baha Ready 3D

Ang Baha Ready 3D ay isang pang-edukasyong laro para sa paghahanda sa baha, ginawa para sa mga estudyante, residente, guro, at kawani ng MDRRMO/BDRRMC sa Pila, Laguna at iba pang bayan sa tabi ng lawa. Nararanasan ng manlalaro ang bagyo mula Signal No. 1 hanggang No. 5: maghahanda ng bahay at go-bag, lilikas sa tumataas na tubig, at tutulong sa kapitbahay. Pagkatapos ng bawat level, may paliwanag kung ano ang tama at kung bakit.

Ang lahat ng safety content ay bineberipika pa kasama ang MDRRMO at NDRRMC bago ang opisyal na paglulunsad.